Ilang Sports Events Papayagang Magbukas Muli Sakaling Alisin na ang ECQ

Papayagan ang ilang sports events na muling buksan sakaling alisin na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) at ilang probinsya sa bansa.

Gayunman, kailangan itong sumunod sa mga protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) laban sa COVID-19.

Ayon kay Philippine Sports Commision (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez, ilan sa mga laro na papayagang magbukas ng IATF sakaling makadiskubre na ng bakuna laban sa virus ay ang golf, running, hiking, badminton singles event, softball, tai chi, kung-fu, taekwondo singles event at online chess.

Matatandaang kinansela ng PSC Board ang mga sports events para ngayong taon dahil sa nakahahawang virus at dahil na rin sa mga pasilidad na ginamit para sa mga pasiyente ng COVID-19 na nasa pamamahala ng PSC.



4 views