Ilegal na Ospital sa Pampanga, Kalaboso sa Isang Police Raid
Ipinasara at isinailalim sa total lockdown ni Clark Development Corp. (CDC) President Noel Manankil ang isang residential villa sa Fontana Leisure Park, Clark, Pampanga matapos magkaroon ng police raid na nagpapakitang ginawa itong isang ilegal na ospital at botika.
Naganap ang imbestigasyon matapos makatanggap ang mga awtoridad ng reklamo na may COVID-19 patient sa loob ng villa at na may botika di-umano rito.
Ayon sa ulat ng Central Luzon police's Criminal Investigation anf Detection Group (CIDG), Food and Drug Administration (FDA) at CDC, nagpapakitang nilabag nila ang Medicine Act of 1958 matapos mahanap ang mahigit 200 na syringe na pinagdududahang COVID-19 test kits. Nakita rin ang isang kainan na may mga case ng beer papasok dito.
Pagkatapos mabigo na magpakita ng license to operate mula sa Department of Health (DOH) at FDA, naka-detain na ngayon ang dalawang Chinese nationals na sina Hu Ling, supervisor ng ilegal na ospital, at si Lee Seung Hyun, pharmacist ng ng naturang botika, sa Camp Olivas.
Samantala, nailipat naman ang COVID-19 infected na pasyente sa isang kalapit na ospital.
