Illegal na Sabong, Lagot sa GAB at QCPD-DSOU

Sa pinagsamang puwersa ng Games and Amusements Board (GAB) at QCPD-DSOU, apat katao ang nadakip dahil sa ilegal na sabong sa Quezon City, kamakailan.
Ang operasyon ay dahil na rin sa panawagan ng GAB-Anti-illegal Gambling Unit (GAB-AIGU) sa pangunguna ni GAB Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra, Commissioners Ed Trinidad at Mar Masanguid, bilang pagsuporta ng ahensya sa direktiba ng pamahalaang nasyunal sa pamumuno ni President Rodrigo Duterte na ipagbawal ang lahat ng uri ng sugal kabilang ang sabong sa kasagsagan ng pandemic na kung saan mahigpit na ipinapatupad ang physical distancing para hindi magkahawaan.
Ang GAB ang ahensya ng pamahalaan na nagre regulate ng pagsasagawa ng mga international derbies sa bansa at bilang licensing agency sa mga Opisyal ng Sabong tulad ng mananari, sentenciador at manggagamot.
Ang mga illegal na tupada ang maaring maging dahilan sa pagkaantala ng pagbubukas muli ng sabong.
Nagbabala ang GAB sa mga lisensiyadong mananari, manggagamot, at sentenciador na kapag nahuling nakikipag partisipasyon sa illegal na sabong tatanggalan sila ng lisensiya ng tulad sa mga nahuling pasaway.