India Handang Magsuplay ng Abot Kayang COVID-19 Drugs sa Pilipinas

Handa nang magsuplay ang India ng abot kayang gamot at iba pang pharmaceutical products na maaring gamitin bilang pagsugpo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa.
Sa nakaraang pag-uusap ni Pangulong Rodrigo Duterte at Indian Prime Minister Narendra Modi sa pamamagitan ng telepono, siniguro ng Punong Ministro na handang magsuplay ang bansang India sa Pilipinas ng affordable at accessible na pharmaceutical products kabilang na ang Hydroxychloroquine na isa sa nakikitang panlunas laban COVID-19.
Pinuri naman ni Pangulong Duterte ang mga hakbang ng bansang India sa pagpuksa sa COVID-19 dahil isa ang bansang ito sa may pinakamababang fatality rate sa buong mundo.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang pagtutulungan ng dalawang bansa ay may magandang epekto sa public health systems at food security ng Pilipinas.