• Estephany Rivera

Inhinyero, Itinalagang Bagong Bishop ng Cagayan de Oro


Hinirang ni Pope Francis si Bishop Jose Cabantan bilang bagong leader ng Archdiocese of Cagayan De Oro bilang kapalit ni dating CDO Bishop Antonio Ledesma na umabot na sa retirement age.

Dating obispo ng Malaybalay, Bukidnon si Cabantan bago itinalaga ng Santo Papa sa Cagayan De Oro.

Bago pumasok sa pagkapari, nagtrabaho muna ang bagong bishop sa isang mining firm bilang isang chemical engineer at naging dean of studies, director, at formator ng tatlong semenaryo.

Pinamumunuan din ni Cabantan ang Episcopal Commission for Basic Communities of Catholic Bishops Conference of the Philippines.