Inihaing Petisyon Kontra sa Quarantine Restrictions para sa mga Senior Citizens, Hindi Ikinababahala


Malakas ang paniniwala ng pamahalaan na walang mangyayari sa inihaing petisyon ng isang abugado na si Atty. Eugenio Insigne kontra sa quarantine restrictions para sa mga senior citizens.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, karapatan ni Insigne na maghain ng petisyon sa korte suprema, ngunit suportado aniya ng siyensya at medisina ang panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na pagbabawal sa mga senior citizens na lumabas ng kani-kanilang tahanan sa kabila ng pandemya.

Dagdag ni Roque, karamihan sa mga tinatamaan at nasasawi sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay ang mga senior citizen, ayon sa datos