International Operations ng NAIA, Balik na Ngayong July 8

Magbabalik ang International operations ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 simula ngayong July 8 matapos ianunsyo ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Ayon sa MIAA, naghahanda na ang NAIA sa muling paglipad ng International flights sa Terminal 3 ngayong buwan upang masiguro ang ligtas na pagbiyahe ng mga pasahero sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng bansa.
Samantala, nananatiling suspendido ang international flights ng ibang airlines sa Terminal 3 ng NAIA gaya ng Cebu Pacific, Delta Air, Qantas Airways at United Airlines.
Nilinaw naman ni MIAA media affairs division head Jess Martinez na tatanggap lamang ang paliparan ng 2,400 na pasahero kada araw bilang pagsunod sa travel restriksyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.