top of page

Internet Cafés, Pwedeng Gawing Digital Workplaces at Classrooms ayon sa DICT

Tinitignan ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang paggamit ng internet cafés sa buong Pilipinas bilang digital workplaces at classrooms alinsunod sa community quarantine na ipanatutupad sa iba’t-ibang parte ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic. Ayon kay DICT Undersecretary Eliseo Rio Jr., inaasahan ang pagsusulputan ng mga internet cafés pagkatapos ng lockdown bilang resulta ng pagtatrabaho ng maraming empleyado at estudyante mula sa kanilang mga tahanan at ang malaking reliance ng mga ito sa internet. Bilang dagdag sa umiiral na Telecommuting Law na pinapayagan ang “work-from-home” sa mga pribadong sector, sinabi ni Rio na pinayagan na ng Civil Service Commission ang pagsali ng government employees sa sakop ng naturang batas.



bottom of page