• Radyo Pilipino News Team

Isang Food & Staff Delivery Boy, Timbog sa Buy Bust Operation

Timbog sa buy bust operation ang isang Lester Solanti a.k.a. Forto, lalaki, single, 23 anyos, food and staff delivery boy at residente sa Purok 2, Brgy. Mabua, Surigao City matapos nagsagawa ng buy-bust operation ang elemento ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Surigao City Police Station at PDEA RO 13 SDN na pinangunahan ni Agent Mark Anthony Paler kasama si PLTCOL Christian L. Rafols II, COP.


Ang nasabing suspect ay isang bagong kinikilalang drug personality ng Surigao City Police Station.


Nakumpiska sa suspek ang isang (1) plastic sachet ng pinaghihinalaang Shabu na nasa 0.05 gramo na nagkakahalaga ng P590.00, Limang Daang Peso Bill (P 500.00) as marked money, isang (1) leather wallet na naglalaman ng cash money na nagkakahalaga na P320.00 isang Huawei Cellular phone.


Kasong paglabag sa Seksyon 5 Artikulo II, ng RA 9165 ang isasampa sa nasabing suspek.