• Estephany Rivera

Isang Truck ng Sibuyas Ipinadala ng Isang Babae sa Kanyang Ex

Isang pangkaraniwang pamamaraan ang iginanti ng isang babae mula sa China matapos siyang iwan ng kanyang kasintahan noong Chinese Valentine’s Day.

Nagpadeliver ang babaeng Chinese, na kinilalang Zhao, ng isang truck ng nakahiwang sibuyas sa bahay ng kaniyang dating kasintahan at pinaiwan ang gabundok na gulay sa harap ng pintuan nito.

Ayon kay Zhao, dapat din daw umiyak ang lalaki dahil hindi man lang daw ito lumuha matapos itong mag-isang magdesisyon na tapusin ang halos isang taon nilang relasyon.

Nag-iwan pa ng sulat si Zhao sa lalaki na nagsasabing umiyak siya ng tatlong araw at ito naman ang dapat umiyak.

Sinabi naman ng dating kasintahan ni Zhao na ‘sobra’ na ang reaction ng babae at nagrereklamo na ang mga kapitbahay nito dahil sa umaalingasaw na amoy ng nabubulok na sibuyas sa kanilang lugar.


5 views