Isko Moreno, Binuksan na ang Ikalawang Molecular Laboratory sa Manila


Photo from Manila PIO.

Ganap nang binuksan ni Manila Mayor Isko Moreno ang ikalawang RT-PCR Molecular Laboratory sa Sta. Ana Hospital.

Kabilang sina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan at ang ilang kinatawan ng Ayala Group of Companies sa ginanap na inagurasyon ng swab testing facility bilang hakbang ng city government sa pagsugpo nito sa lumulobong kaso ng coronvirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.

Lubos namang pinasalamatan ng alkalde ang Ayala Group of Companies sa ibinahaging P8.5 million bilang kontribusyon sa pagpapatayo ng naturang pasilidad.