Isolation Facilities, Required Ilaan ng Pribado at Malalaking mga Kumpanya sa Bansa

Upang mabigyang pansin ang mga empleyado na nangangailangan ng karagdagang pagsusuri sa posibleng COVID-19 infection, naglabas ng Joint Memorandum Circular (JMC) and Department of Labor and Employement (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) na naglalayong magkaroon ng designated isolation facilities ang mga medium at large -sized private companies sa bansa.
Ayon sa dalawang departamento, ang JMC No. 2004, o tinatawag din "DTI and DOLE Supplemental Guidelines on Workplace Prevention and Control of COVID-19" ay kinonsulta sa mga eksperto sa kalusugan, lokal na mga pamahalaan, at mga business groups upang masiguro na mabibigyang pansin nito ang lahat ng concern ng iba't ibang sektor.
Gagamitin ang nga temporary isolation facilities sa mga manggagawa at trabahador na may mataas na body temperature, may flu-like symptoms, may sinagutan na yes sa Health Declaration, o may nakaraang exposure sa isang COVID-19 positive o probable case nito.