Israel, Namahagi ng Tinatayang 10k COVID-19 Test Kits sa DND


Photo from Israel Embassy in Manila

Namahagi ang Israel Ministry of Defense – SIBAT ng tinatayang 10,000 bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kits na gagamitin ng Department of National Defense ng Pilipinas upang patuloy na paigtingin ang pagsupo ng naturang sakit sa bansa.

Sa naganap na turn-over ceremony ng mga test kits ay pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at kinatawan ng Israel’s Ambassador to the Philippines na si Rafael Harpaz ang libo-libong donasyon ng naturang grupo.

Matagumpay na natapos ang seremonya nitong ika-5 ng Nobyembre sa DND Social Hall sa loob ng Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City.