"Jake and Charice" Documentary, Pasok sa Nominasyon ng International Emmy Awards


Photo from Instagram/JakeZyrusMusic

Pasok ang dokyumentaryong "Jake and Charice" sa International Emmy Awards para sa kategoryang 'Arts Programming' kung saan malayang inilahad ni Jake Zyrus ang transisyon ng kanyang buhay mula sa biriterang si Charice hanggang siya ay maging ganap na transman.

Gaganapin ang awarding ceremony sa ika-23 ng Nobyembre kung saan makakalaban ng Filipino artist ang ilan sa mga nominado para sa naturang kategorya, kabilang na rito ang Rafavela 40 ng Brazil, Vertige de la Chute (Ressaca) ng France, at Why do we Dance ng United Kingdom.


Kamakailan lamang ay matatandang nakatanggap ng pagkilala si Jake Zyrus sa parehong dokyumentaryo kung saan nakatanggap ito ng Gold Camera award sa International Film Fest and Video Festival sa United States.