Japan, Nakaimbento ng Isang Robotic Hand o Isang Hi-Tech na Pakikipag-Holding Hands
Nakagawa ng isang imbensyon ang isang grupo ng mga mananaliksik sa Gifu University sa Japan na tinawang nilang “My Girlfriend in Walk”, isang robotic hand na kung saan maaaring maranasan ang totoong pakikipag-holding hands gamit ang teknolohiya.
Ang naturang robotic hand ay idinisenyo ng mga mananaliksik sa Japan para umano sa mga single kung saan pinapagana ito ng microcomputer, pressure sensor, motor at film heater na pawang totoong kamay kapag hinawakan.
Sa pamamagitan ng built-in pressure sensor nito ay kusang hihigpit ang robotic hand kapag ito ay iyong hinawakan, at gawa ng film heater ay mararamdan ang init ng isang totoong kamay.
Naniniwala ang grupong nakaimbento ng “My Girlfriend in Walk” na isang experimental device na ito ay maaring makatulong sa kalungkutan ng isang tao.