top of page

Japan, Namahagi ng Avigan sa Pilipinas para sa COVID-19 Treatment


Namahagi ang bansang Japan ng Avigan, isang anti-viral flu drug sa Pilipinas upang makatulong sa posibleng lunas ng COVID-19, ayon sa Japanese embassy.

Ang aksyong ito ay bahagi ng emergency grant aid ng Japan para sa iba't ibang bansa na apektado ng coronavirus, kaya susuriin ang Avigan sa nasa mahigit 100 pasyente upang pag-aralan ang pagka-epektibo nito.

Ayon din sa embahada, malaki na ang tiwala ng maraming karatig bansa sa Japanese-made anti-flu drug na ito bagaman pinag-aaralan pa ang epekto nito sa mga infected patients.

Dagdag naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 199,000 tablets ang ibinigay ng Japan sa bansa.

bottom of page