Japanese, Kauna-unahang Ninja Studies Degree Holder

Nahirang na kauna-unahang ninja studies graduate si Genichi Mistuhashi matapos magtapos sa International Ninja Research Center ng Mie University sa Iga, Japan.
Nakumpleto ng 45-anyos ang kurso mula sa pag-aaral ng basic martial arts, palihim na pag-akyat sa mga bundok, hanggang sa pag-aaral ng kasaysayan, tradisyon, at ang lahat ng mga kinatawan ng feudal Japan.
Sinabi ni Genichi na sa kaniyang pag-aaral, napagtanto niya na ang mga ninjas na resposable sa guerilla warfare noong ika-14 siglo ay mga magsasaka rin na nagtatrabaho sa umaga at nag-eensayo sa hapon.
Pinuri naman ni Ninja Studies Professor Yuji Yamada si Genichi at sinabing isa itong dedicated na estudyenteng ibinuhos ang buhay sa ninja way.
Nilinaw naman ng propesor na ang ninja studies ay isang kurso na at pag-aaral tungkol sa mga ninja at hindi kung paano maging ninja.