• Malou Manuel

Japeth Aguilar at Adrian Wong, Pinagmulta ng P20,000


Photo by Pinky Romero.

Nakaharap na ni PBA Commissioner Willie Marcial ang mga players na sina Japeth Aguilar ng Brgy Ginebra at Rain or Shine rookie Adrian Wong matapos itong makita sa video na naglalaro ng basketball.

Pinagmulta ng tig P20,000 bawat isa at sasailalim ang dalawa sa swab testing ng PBA, Commissioner's Office.

Sina Aguilar at Wong ay nahuli sa video kasama ang Gilas Pilipinas pool member na si Isaac Go na naglalaro sa isang pasilidad sa pagsasanay sa San Juan, kasama rin si Thirdy Ravena, at ilang amateur players.

Inutusan ni Marcial ang dalawang manlalaro na magsagawa ng swab test at kailangan nilang sumailalim sa 14-araw na quarantine at pagkatapos ay muling magpapa swab test upang ma clear.