• Cathy G

Japeth Aguilar at James Yap, Nakibahagi sa Proyekto ng Project Wifi para sa Mahihirap na Estudyante


Nakibahagi ang mga PBA players na sina James Yap at Japeth Aguilar sa kampanya ng isang non-profit organization na Project Wifi.


Layunin ng organisasyon na tulungan ang mga estudyanteng kapos palad at magkaroon ng internet access.


Matatandaan, dahil sa Covid-19 pandemic, isinailalim sa online classes ang mga estudyante para sa kanilang kaligtasan subalit hindi lahat ay may kakayahang magkaroon ng internet sa bahay.


Makikita sa Instagram post ni James at Japeth kung papaano makakapag-donate ang mga nagnanais tumulong para makakalap ng pondo sa plano nilang pagtulong sa mga nangangailangan,