PBA Star Japeth Aguilar, Hindi Sumunod sa Kanyang 14 Days Quarantine

Kamakailan ay pinatawan ng parusa si Brgy. Ginebra player Japeth Aguilar ni PBA Commissioner Willie Marcial dahil sa paglaro ng 5 on 5, kasama sina rookie Rain or Shine Adrian Wong, special draft Isaac Go at Japan bond na si Thirdy Ravena at iba pang mga amateur players na nakitang naglaro sa Ronac Gym, sa may San Juan. Katunayan nag viral pa ang video ng mga ito.
Sina Aguilar at Wong ay pinamulta ng tig P20,000, habang sila Go at Ravena ay pinagsabihan lang naman. Humingi naman ng paumanhin ang huli hingil sa nangyare.
Maliban sa P20,000 nila Aguilar at Wong ay pinapag 14 days quarantine at magpapa swab test ang mga ito dahil sa lumabag sila sa protocols ng IATF, Inter Agency Task Force bago pinayagan ng naturang ahensiya na puwede nang bumalik sa ensayo ang mga pba teams.
Sinisiguro lamang ng PBA at IATF kung hindi nahawa sila Japeth at Adrian sa mga nakalaro nila noong nakaraan.
Ngunit tila hindi naintindihan ng tubong Pampanga ang kanyang 14 days quarantine na hindi pwede itong lumabas ng bahay.
Hindi pa tapos ang quarantine ay tumungo sa San Juan La Union, para mag beach kasama ang kanyang Fil-Korean na maybahay. Marami na namang nakakita sa basketbolista at syempre muli na naman siya nakunan ng video.
Kahapon ay hinihintay ng Radyo Pilipino ang tugon ni Kume Marcial at SMC Sports Director Al francis Chua, kung may naghihintay na kaparusahan sa kanilang manlalaro, subalit walang sagot.
Habang tumatagal ay lalong lumalala ang sitwasiyon ng Covid-19. Pataas ng pataas ang mga nagkakaroon ng virus. Kaya dapat ang mga players isa sa tinitingnan ng mga followers ng basketball kaya sila dapat ang unang sumunod sa mga protocols at batas.