Jinkee Paquiao Magpapamigay ng P100k sa Kanyang Youtube Subscribers

Nakahandang mamigay ng P100,000 si Jinkee Pacquiao para sa kanyang YouTube subscribers na malapit nang umabot sa 1 Million bilang pasasalamat nito sa mga taga-subaybay ng kanyang vlogs.

Ayon kay Jinkee Pacquiao, maaring magamit ang P100,000 sa mga pangunahing pangangailangan sa bahay gaya ng groceries at mga gamit sa pag-aaral ng bata dahil nalalapit na rin ang pasukan.

Hindi naman nilinaw ni Jinkee kung ilang recipients ang makakatanggap ng cash gift mula sa kanya.

Noong nakaraang taon ay nagsimula itong pasukin ang mundo ng vlogging sa YouTube. Wala pang isang taon ay umabot na sa lagpas kalahating milyon ang subscribers ni Jinkee.

Madalas niyang ipinakikita sa kanyang YouTube channel ang fun moments nilang magpapamilya, house tours at beauty secrets.