top of page

Kaarawan ni Dating Pangulong Marcos, Gagawing Non-working Holiday sa Ilocos Norte


Pasado na sa third at final reading sa House of Representatives ang panukalang batas na gawing special non-working holiday sa Ilocos Norte ang kaarawan ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa botong 197 to 9 at isang abstention, inaprubahan na ang House Bill No. 7137 at

idineklara na ang ika-11 ng Setyembre bilang ‘President Ferdinand Edralin Marcos Day’

sa probinsiya.

Isinulong ng mga Ilocano Representatives na sina Rep. Angelo Marcos-Barba, Rep. Ria

Christina Fariñas at Rep. Rudy Ceasar Fariñas ang ang panukalang batas.

bottom of page