top of page

Kabaong at Sasakyang Pang-libing, Ginamit upang Magbigay-babala sa mga residente ng Lapu-Lapu City


Contributed Photo.

Upang mapaigting ang information drive sa Lapu-Lapu City kontra COVID-19, gumamit ang mga opisyal ng kakaibang paraan ng pagbababala sa mga residente nang i-display nila ang isang karo ng patay at kabaong na may nakasulat na 'Stay at Home'.

Iniulat ni Mayor Junard Ahong Chan na may iilang mamamayan pa rin ang hindi sumusunod sa General community quarantine guidelines, kaya't inaasahan niyang mababawasan ang mga paglabag sa paggawa nito, at hindi magiging sanhi ang mga residente sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bukod sa checkpoint, nakapwesto ang display na ito sa boundary ng Mandaue at Lapu-Lapu City, at nakatakdang maglagay ng karo at kabaong ang lokal na pamahalaan sa mga barangay.

bottom of page