Kafala System, Tatatanggalin na ng Pamahalaan ng Kingdom of Saudi Arabia

Nakatakdang alisin ng pamahalaan ng Kindom of Saudi Arabia ang ‘kafala system’ sa darating na Marso 2021 kung saan pabor sa libo-libong manggagawa na nagtratrabaho sa naturang bansa dahil hindi na kakailanganin pa ng mga ito na kumuha ng exit visa mula sa kanilang mga amo para makauwi.
Ang ‘kafala system’ ay matagal nang kalakaran sa Saudi Arabia at isa sa mga pasanin ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil kinakailangan muna ng mga itong makakuha ng exit visa mula sa kanilang mga amo bago makaalis ng bansa kahit tapos na ang kontrata ng mga ito na siyang kadalasang nagiging sanhi ng pang-aalipin at pang-aalipusta.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs, tinatayang 800,000 OFW ang makikinabang at magkakroon ng kalayaan na lumipat ng amo, at makapamasyal o makalabas ng naturang bansa kahit wala nang exit visa.
Mula sa ulat ng Agence-France-Presse, inaasahang halos 10 milyong banyagang manggagawa sa Kingdom of Saudi Arabia ang tiyak na mapapakinabangan ang pagpapaalis ng naturang sistema.