Kai Sotto, Tuloy ang Laro sa NBA

Nagpasya ang Filipino Basketball prospect at 7-foot-2 player Kai Sotto na sumali sa National Basketball Association o NBA kung saan pumirma siya sa G-League squad ng Southern California ayon sa ulat ng ‘The Athletic’ ni Shams Charania.

Ang dating Blue Eagles player at kinatawan ng FIBA U-19 World Cup ay maglalaro na sa prestihiyong laban sa larangan ng basketball sa buong mundo at makakasama ang ilan sa mga sikat na manlalaro gaya nina Jalen Green, Isaiah Todd at Daishen Nix.

Nakakuha naman ng alok si Sotto mula sa University of Georgia, isang National Collegiate Athletic Association Division I sa Antlanta para maglaro.


Kasalukuyang nagsasanay si Sotto sa The Skill Factory, ang Atlanta-based sports and development organization.