• Estephany Rivera

Kanta ni Kim Chiu na "Bawal Lumabas" Nakapasok sa iTunes Top Charts

Hindi na pinansin ni Kim Chui ang kaniyang mga bashers at sa halip ay nagpasalamat pa siya sa mga ito kasabay ng pagpasok ng kaniyang accidental hit ‘Bawal Lumabas: the Classroom Song’ sa iTunes PH Top 50 chart.


Sa isang Instagram post, nilahad ni Kim ang mga leksyon na kaniyang natutunan at sinabing tuloy ang andar ng buhay sa kabila ng mga pagkakamali at problemang haharapin.


Dagdag pa niya na bilang Pilipino tinatawanan na lamang niya ang mga problemang nalagpasan lalo na raw at natutunan na niya ang kaniyang leksyon at hindi siya sumuko.