KAPA Founder Joel Apolinario, Arestado sa Surigao del Sur

Arestado si Kapa Community Ministry International (Kapa) founder at pyramid scheme leader Joel Apolinario sa isang tagong beach resort sa bayan ng Lingig, Surigao del Sur pagkatapos ng halos anim na buwang manhunt para dito.
Iniulat naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Archie Francisco Gamboa na dalawa sa 21 bodyguards ni Apolinario ang nasawi, isa ang sugatan, matapos magsimula ang isang gunfight nang magpaputok ang kampo ni Apolinario habang nagpapakita ng search at arrest warrant ang kapulisan.
Nagtago si Apolinario matapos itong maharap sa kasong syndicated estafa at ipahuli ni President Rodrigo Duterte matapos nitong pamunuan ang isang multi-million investment scam na nambiktima ng libu-libong investors sa Visayas at Mindanao region.
Ayon kay Surigao del Sur provincial Police Director Col. James Goforth, noong pa raw Enero minamanmanan ng Caraga region police sina Apolinario.
Nakuha naman mula sa lugar ang 30 M16 rifles, dalawang M4 rifles, tatlong 60 caliber Machine Gun, isang Garand rifle, 50 caliber sniper rifle, Garand rifle, automatic rifle, shotgun, dalawang granada, limang .45 caliber shotgun at mga bala.