Kapasidad ng mga Ospital para sa COVID-19 sa Bansa, nasa ‘Warning Zone’, Ayon sa DOH

Inilagay sa ‘Warning zone’ ng Department of Health (DOH) ang healthcare system ng mga ospital para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa buong bansa dahil sa overall utilization at kapasidad ng hospital beds para sa mga ito.
Sa katunayan, nasa critical care capacity o ‘danger zone’ na ang buong National Capital Region (NCR) dahil higit 70% ng hospital facilities na ang gamit sa kasalukuyan at posibleng tumaas pa ito sa mga susunod na araw.
Ani Vergeire, mayroon nang 16,388 hospital beds na itinalaga ang DOH para sa pampubliko at pribadong ospital na tumatanggap ng COVID-19 patients sa buong bansa at tinatayang 52.3% naman ang kasalukuyang nagamit na sa mga ito.
Hinimok naman ni Vergeire ang lahat na sumunod sa minimum health standards ng pamahalaan at kung hindi naman kinakailangan ay huwag nang lumabas upang makaiwas sa pagkalat ng sakit.