Karagdagang mga OFW sa Taiwan, Magsisimula Ngayong Mayo
Inihayag ni Pilipino Manpower Agencies Accredited to Taiwan (PILMAT) President Aida Gerodias na muli nang tatanggapin ng Taiwan ng 3,000-4,000 OFWs na hindi natuloy ang paglipad patungo sa bansa dahil sa COVID-19 lockdown. Itutuloy na ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) ang pagproseso ng mga visa pagkatapos ng extended enhanced community quarantine sa National Capital Region. Siniguro naman ni Gerodias, kay Labor Secretary Silvestre Bello III at Philippine Overseas Employment Agency Administrator Bernard Olalia, na masigla ang ekonomiya ng Taiwan at kasalukuyang nangangailangan ng mga manggagawa matapos magpatupad ng lockdown ang mga bansa tulad ng Thailand, Vietnam, at Pilipinas.
