Kaso ng Karahasan Laban sa Kababaihan at mga Bata, Umabot ng Halos 3,700 Simula ng Lockdown

Umabot na sa 3,699 na kaso ng violence against women and children ang naitala ng Philippine National Police (PNP) simula nang ipatupad ng gobyerno ang Enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso.
Sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso noong Hunyo 8, iniulat ng pangulo, na halos 3,700 na kasong recorded, 1,945 dito ang karahasan laban sa kababaihan samantalang 1,754 naman ang karahasan laban sa mga bata.
Siniguro naman ni Pangulong Duterte sa publiko na nakikipag-ugnayan na ang PNP Women and Children Protection Desks sa mga LGU upang matiyak ang kapakanan ng mga kababaihan at mga bata.
Ayon pa sa Pangulo, aktibong sinasagot ng Philippine Commission on Women (PCW) ang mga inquiries na kanilang natatanggap sa telepono at emails.