top of page

Kauna-unahang Aso sa US na Nagpositibo sa COVID-19, Pumanaw na


Photo from National Geographic.

Nasawi ang isang pitong taong gulang na German Shepherd matapos masuri ng mga eksperto ang pagkakaroon nito ng mga sintomas ng COVID-19 na katulad ng sa tao.

Ayon sa National Gerographic Magazine, lumitaw ang nga sintomas na ito kay Buddy noong Abril, nang ang kaniyang amo na si Robert Mahoney ay nagpapagaling mula sa coronavirus disease.

Dahil karamihan sa mga veterinary clinic ay nakasara sa panahon ng community quarantine, nahirapan si Mahoney na malaman kung ano ang tunay na kalagayan ni Buddy, kaya inakala niyang positibo ito sa SARAS-CoV-2.

Samantala, nang tingnan ng vet si Buddy, napag-alamang maraming virus antibodies ang nasa katawan nito at nagbukas ng palaisipan sa mga eksperto kung posible din bang maging vulnerable sa kumakalat na virus ang mga hayop na may pre-existing medical conditions.

bottom of page