top of page

Kauna-Unahang ‘Flying Car’, Inilunsad sa Japan


Photo from Wall Steet Journal.

Pinalipad sa isang test flight ng isang start-up company sa Japan, ang prototype ng kauna-unahang ‘Flying car’ sa mundo.

Sinabi ni SkyDrive Inc. President Tomohiro Fukuzawa na magbibigay-daan ang imbensyon sa mas accessible na air travel para sa mga Hapon lalo na’t binubuo rin ng mga isla ang kanilang bansa at hindi madaling puntahan ang kanilang mga paliparan.

Binubuo ang one-seat prototype model ng walong propellers at may haba at lapad na apat na metro at taas na dalawang metro.

Sa test flight nito sa Toyota, Aiochi Perfecture, nakalipad ang sasakyan sa loob ng tatlong minuto sa layong 150 meter at taas na dalawang metro mula sa lupa.

Ayon sa kumpaniya, layunin nilang ma-isamerkado ang mala-drone na kotse sa taong 2023.


Sinimulan ng SkyDrive ang pagbuo sa sasakyan noong Disyembre 2019 sa kagustuhang lalo pa itong mapaganda.

Ipinarating rin ng SkyDrive ang pagnanais nitong magamit ang flying car sa taxi business sa lungsod ng Osaka sa Japan.

Ipinahayag naman ng Morgan Stanley & Co. Inc., isang investment management company, na inaasahan raw ang pagtaas ng merkado ng flying cars sa higit $1.5 trillion sa taong 2040.

bottom of page