top of page

Kauna-unahang Hospital-Based Level 3 COVID-19 Laboratory sa Labas ng NCR, Binuksan na sa Bacolod


Photo from Bacolod City Public Information Office

Opisyal nang binuksan ang pinakaunang hospital-based level 3 molecular laboratory para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH) sa Bacolod.

Pinangunahan ni Mayor Evelio Leonardia, Bacolod Representative Greg Gasataya, Department of Health (DOH) Western Visayas Director Dr. Marlyn Convocar at Dr. Julius Drilon, medical chief ng CLMMRH, ang naganap na inauguration ng laboratory.

Ayon kay Leonardia, dahil dito mas mapapadali at magiging mabilis ang proseso ng pagtuklas ng mga kaso mula sa sakit ng kanilang lugar.

Sinabi naman ni Dr. Drilon, umabot sa P30 million ang naging gastos upang matagumpay na maitayo ang gusali, makabili ng mga kakailanganing aparato at iba’t ibang kagamitan na kayang tumanggap ng 100 tests kada araw sa loob lamang ng 72 hours o tatlong araw.

Isa lamang sa tatlo ang CLMMRH sa Level 3-biosafety laboraties sa buong bansa na binubuo ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at UP National Institutes of Health; Pinakauna naman sa labas ng Metro Manila.

bottom of page