top of page

Kauna-unahang Inspection Facility para sa mga Imported na Karne at Farm Products, Aprubado Na


Contributed photo.

Sa pangunguna ng Department of Agriculture (DOA), magkakaroon na ng inspection at quarantine facility ang bansa na itatayo sa Manila International Container Port (MICP), isang proyektong matagal ng pinananabikan ng mga nasa foreign exchange industry.

Sa tulong ng pasilidad na ito, mas magiging epektibo ang pagpapatupad ng kagawarang pang-agrikultura sa mga smuggling policies at maiiwasan ang pagpasok ng animal diseases sa bansa.

Ayon kay DOA Secretary William Dar, sinimulan na ng departamento ang groundwork para sa isa sa mga ito at na aprubado na ang P500 million sa hinihinging P2 billion budget para dito mula sa gobyerno.

bottom of page