top of page

Kauna-unahang Kaso ng COVID-19 sa Batanes, Naitala Na


Kinumpirma ng pamahalaang panlalawigan ng Batanes ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil sa nagpositibong locally stranded individual (LSI) na nakapasok sa kanilang lugar.

Ibinahagi ng provincial government ng Batanes na isang LSI ang nagpositibo sa sakit matapos itong maihatid ng Philipppine Air Force (PAF) noong September 22 sa naturang lugar at September 28 nang kumpirmahin na tinamaan ng COVID-19 ang pasyente.

Kasalukuyang isolated ang pasyente at isinailalim sa quarantine ang mga taong nakasalamuha nito upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Pinag-iingat naman ang publiko at pinapaalalahanan na patuloy sundin ang minimun health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks at face shield sa mga pampublikong lugar, palagiang paghuhugas ng kamay, at pagpapanatili ng physical distancing.

bottom of page