• Tj Ovivir

Kauna-unahang Lumad Nurse sa Bansa, Nagtapos ng Medisina via Online Graduation


Upang patunayan na hindi hadlang ang kahirapan at lahing pinagmulan sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay, nagtapos si Joeffrey Mambucon, ang pinaka-unang registered nurse na Tigwahanon-Manobo Lumad, ng kursong medisina.

Sa pamamagitan ng scholarship grant na inilaan sa kaniya ng kaniyang unibersidad, naka-graduate si Mambucon sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute sa Dasmariñas, Cavite kahit online lamang ang ginanap na awarding ceremony.

Ipinahayag niya sa kaniyang Facebook post na nais niyang magsilbing inspirasyon sa mga katutubong nasabihang wala silang mararating at kakayahan.

Dagdag pa niya, pagkatapos ng kaniyang isang taon na internship, siya ay magtatake ng Board exam at sasali sa Doctors to the Barrios, isang programa ng Department of Health para sa mga katutubong lugar sa bansa.