top of page

Kauna-unahang Muslim Cemetery sa Lungsod ng Maynila, Itatayo na!


Photo from Manila PIO.

Sa pangunguna ni Manila City Mayor Isko Moreno, nalalapit na ang pagpapatayo ng kauna-unahang Muslim cemetery sa lungsod ng Maynila na may lawak na 2,400-metro kuwadrado sa loob ng Manila South Cemetery.

Sa naganap na groundbreaking ceremony nitong Miyerkules, inihayag ng alkalde na ang Muslim cemetery ay exclusive ground para sa interment at paglipat ng mga labi ng mga residenteng Muslim sa lungsod.

Umabot sa P49.3-million ang naturang proyekto kasabay nito ang pagpapatayo ng Cultural Hall for Muslims.

Sinabi ni Moren na ito ay isang maliit na paraan ng City Government ng Manila upang mas makilala at mabigyan ng puwang ang Muslim community sa bansa.

bottom of page