top of page

Kauna-Unahang Quarantine Facility ng PCG, Ganap nang Binuksan


Photo from Facebook/Department of Transportation.

Ganap nang binuksan ang kauna-unahang quarantine facility ng Philippine Coast Guard nitong ika-10 ng Oktubre na kayang tumanggap ng tinatayang 224 frontliners na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pinasinayaan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang naganap na seremonya kasama ang iba pang opisyales ng PCG, kabilang na si Commandant Admiral George Ursabia Jr. sa pagbubukas ng naturang pasilidad.

Umabot hanggang P35-milyong piso ang nagastos para maitayo ang pasilidad na mayroong 26-bed capacity na inilaan para sa PCG nurses at health workers.

Mayroong nakahadang medical station na may mga suplay ng mga personal protective equipments (PPEs), medical supplies, at mga gamot para sa mga tatamaan ng nakahahawang sakit.

Matatagpuan ang naturang pasilidad sa Coast Guard Base sa Taguig

bottom of page