top of page

Kelly Williams "The Machine Gun" ng PBA, Magreretiro Na


Photo from Instagram/Kelly Williams (@kxlwilliams21).

Sa labing apat na taon na paglalaro ni Fil-Am player Kelly Williams ay magpapaalam na ito sa PBA upang harapin naman ang kanyang pamilya.


Ito ang ibinahagi ng 38 yrs old player sa kanyang instagram noong nakaraang Lunes na ireretiro na niya ang kanyang jersey no. 21.


Mula sa Instagram ni William ito ang kanyang mensahe:


"It's with gladness & sadness that I announce my retirement from basketball. I couldn’t have predicted that I'd have the kind of career I was able to experience.


Thank you, Philippines for giving solid ground to grow as both a player and a man from the last 15 years. Thank you, PBA for giving access to your stage from 14 seasons and to the great fans who supported me during my time. I gave my all when I put Pilipinas and Teams on my chest..."


Tinaguriang "Machine Gun" ng PBA ang recruit ni coach Chot Reyes at siya ang nagdala kay Williams dito sa bansa noong 2005, at na draft ito ng Sta Lucia Realtors noong 2006.


Nakapaglaro ang 6'6 player sa National team taong 2007 FIBA Asia Mens Championship na ginawa sa Tokushima, Japan na tinanghal rin bilang rookie of the year.


Bago na trade si Williams sa ibang team ay nakasungkit pa nila ang kampeonato sa Philippines Cup sa ilalim ng Sta Lucia Realtors, nahirang na best player of the conference season end at naging MVP.

Ang iba pang na achieved na PBA awards ni Kelly ay ang sumusunod Mythical First Team (3x), Mythical Second Team (4x), All-Star (5x), All-Defensive Team (once), All-Rookie Team, Comeback Player of the Year (2x), at naging slam dunk champion (2x).


Nais pa sanang bigyan ng kontrata ang batang Detroit, ng TNT Ka Tropa ngunit tumanggi na ito.


Mas nais na niyang makasama ang kanyang pamilya sa Estados Unidos at mabigyan ng chance ang ibang mga batang players na nakapaglaro sa professional league.

bottom of page