• Radyo Pilipino News Team

Kolehiyo at Unibersidad Pwede ng Magbukas sa Agosto sa Ilalim ng Flexible Learning Environment

Pinayagan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga higher education

institutions (HEIs) o mga unibersidad at kolehiyong may kakayahang magpatupad ng

‘flexible’ learning environment na magsimula ng susunod na school year sa Agusto.

Ito ang mungkahi ni CHED Chairman Prospero De Vera III sa isang virtual meeting ng House Committee on Higher and Technical Education.

Binigyang-diin ni De Vera na mas malawak ang flexible learning kumpara sa online learning dahil isinasaalang-alang nito ang magkakaibang sitwasyon at kalagayan ng mga estudyante tulad ng lugar at bilis ng pagkatuto.