top of page

Kontruksyon ng Pop-up Hospital sa Lung Center of the Philippines, Ipinagpapatuloy


Ipinagpapatuloy ng Public Works and Highways ang kontruksyon ng itinatayong pop-up hospital sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City upang mapalawig pa ang health care capacity ng bansa kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay DPWH Secretary Mark A. Villar, chief isolation czar, mayroong 16-bed capacity ang itinatayong pasilidad na susuporta sa health care services ng naturang institusyon at gagamitin upang tumanggap ng mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.

Maliban sa Lung Center of the Philippines, nakaplano ring magtayo ng modular hospital ang ahensya sa Quezon Institute Compound na inaasahang tatanggap ng mas malaking bilang ng pasyente dahil sa 110-bed capacity nito.

bottom of page