Korean NGO, Nag-donate ng 500 KN95 Masks at iba pang PPEs sa Ahensya ng MMDA


Tinatayang 500 piraso ng KN95 face masks at iba pang personal protective equipments (PPEs) ang ibinahagi ng isang Korean non-government organization (NGO) na Korea 911 Search and Rescue Team sa ahensya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Personal na tinanggap ni MMDA Chairman Danilo Lim ang donasyon mula kay Byung YulSeo na siyang kinatawan ng naturang grupo.

Maliban sa face masks at PPEs na ibinahagi ng Korean NGO, kabilang rin ang face shields, spray bottles at disinfectants sa kanilang donasyon upang protektahan ang mga manggagawa ng MMDA kontra sa panganib na dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado ngayong panahon ng pandemya.

Pinasalamatan naman ni Lim ang naturang grupo dahil sa malasakit nitong magbahagi ng mga essential gears at equipments na gagamitin ng kanilang mga empleyado na may mahalagang papel ngayong panahon ng pandemya.