Korte Suprema, Ibinasura ang Petisyon na Ibalik ang NAIA sa Dati Nitong Pangalan

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Atty. Larry Gadon na ibalik ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa dati nitong pangalan na Manila International Airport (MIA) matapos itong i-dissmiss ng mahistrado.
Isinawalang bisa ng Supreme Court ang panukalang batas na RA 6639 na inihain ni Gadon kung saan ipinaguutos na ibalik ang pangalan ng naturang paliparan sa dati nitong pagkakakilanlan.
Ayon kay SC Public Information Office Chief Atty. Brian Hosaka, unanimous ang resulta ng naging botohan ng mahistrado na nagresulta upang ibasura ang petisyon ni Gadon.
Matatandang naglabas ng petisyon ang abogado nitong nakaraang linggo kung saan sinasabi nitong iligal ang batas na pagpalit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa dati nitong pangalan na Manila International Airport (MIA) dahil aniya, sa ilalim ng panuntunan ng National Historical Commission of the Philippines ay ipinagbabawal na palitan ang pangalan ng simunang indibidwal sa loob ng sampung taon ng kanyang kamatayan sa kahit anong pampublikong lugar