top of page

Kumpanyang Gumawa ng Pokemon Go App, Nagdonate ng $200,000 sa Black Lives Matter Movement at NAACP


Sa kabila ng patuloy na pakikibaka ng mga mamamayan sa Estado Unidos upang labanan ang karahasan at diskriminasyon sa lahi, magbabahagi ng $100,000 ang Niantic, Inc. ang kumpanyang gumawa ng Pokemon Go App sa Black Lives Matter movement at $100,000 sa National Association for Advancement of Colored People (NAACP).

Inanunsyo ito ng kumpany sa isang Twitter post at idinagdag pa nito na lahat ng proceeds mula sa kanilang Pokemon Go Fest na may minimum na $5 million ay idodonate sa mga black game creators at mga non-profit organizations.


Patuloy na kinokondena ng kumpanya ang racism sa US at sinusuportahan ang black movement dahil ang friendship, inclusivity at equity ang siyang patuloy na bumubuhay at sinisimbolo ng Pokemon brand.

Samantala, marami pang ibang mga kompanya ang nagpa-abot ng tulong sa mga black movement gaya ng Niantic, Inc. matapos mag-ingay sa buong Amerika ang pagpatay kay George Floyd ng mga pulis, na nagbigay daan upang labanan ng milyong-milyong tao sa buong mundo ang black opression.

bottom of page