Lagundi, Tawa-Tawa Bilang Lunas sa COVID, Pag-aaralan ng DOST
Maliban sa virgin coconut oil (VCO), popondohan na din ng Department of Science and Technology (DOST) ang pag-aaral sa lagundi (Vitex Negundo) at tawa-tawa (Euphorbia Hirta) bilang potensyal na lunas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa panayam kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, sinabi nito na may mga pag-aaral na nagpatunay sa antiviral properties ng lagundi at tawa-tawa sa respiratory diseases at dengue.
Hinihintay na lamang ng DOST chief ang proposal for R&D studies para sa dalawang halaman.
Siniguro naman ng Department of Budget and Management ang DOST na handa silang tumulong kung magkulang man ang pondo ng ahensya sa COVID-19 research.
