top of page

Lahi Platoon Run, Makikipag-ugnayan na sa GAB, PSC at IATF


Handang makipag usap ang grupo ng "Laban ng Lahi Platoon Run" sa pangunguna ng President at Founder na si Capt. Joenel Pogoy sa PSC, GAB at IATF.

“Willing kami na makipag-usap, we want to have a maximum participation, this is all about the Filipino not only marathon. Ayaw natin ng patayan, ayaw ng kaguluhan. In this case, sa ganitong competition sa lahat ng province, nagkakaisa ang Pinoy, Ani ni Pogoy.

Pagdating sa seguridad ng mga kalahok at mga manonood, aniya, "Ang security ay pamamahalaan ng Phil Army, coordinate sa AFP, police visibility, security martials along the road of course with the coordination with the host city."

Walang umatras sa lahat ng kalahok na dapat ay magbubukas nitong Setyembre 18 subalit dahil sa Covid-19 pandemic na dinadanas ng buong mundo ay inilipat ito sa Disyembre, 2020.

Sa pahayag ni President and Founder Laban ng Lahi sports event Captain Joenel Pogoy ng Philippine Airforce, lahat ng mga participants na may 33 bawat koponan ay handa pa ring sumabak at tumakbo sa Bislig, Surigao.

Sa ngayon ay minimum 50 participants sa running competition na hindi sabay-sabay tatakbo, after 10 mins, takbo ang susunod na grupo.

Kasama rin sa mga kalahok ang mga senior citizen sa Laban ng Lahi dahil una nang nagparehistro ang mga ito at subalit titiyaking isolate sila at magkakasama sa isang eroplano pagpunta sa venue maging sa hotel accommodation at ipapa-facilitate sa IATF.

Iniimbitahan din ni Capt. Pogoy na bumuo ng isang team ang malalaking kumpanya upang makalahok lalo na at nanatili ang P3-M na premyo sa magkakampeon na troops at kasama rito ang pangakong P1-M ni Senator Manny Pacquiao.

bottom of page