• Malou Manuel

Lakers Kampeon, LeBron Finals MVP


Photo from NBA.

Nasungkit ng Los Angeles Lakers ang kampeonato laban sa Miami Heat 106-93, sa game six sa kanilang Best of seven finals na ginawa sa Walt Disney, Florida.

Itinanghal na finals MVP si LeBron James na sa simula ng championship game ay naging consistent ang laro nito kaya deserving na maging MVP.


Nalimitahan ni Lakers Coach Frank Vogel ang opensa ng Miami at hindi pinaporma sina Jimmy Butler, Tyler Herro at Dunkin Robinson na naging susi sa panalo sa Game 4 at 6.


Gumawa si LeBron ng 28 points kaya siya ang itinuturing na mukha ng NBA at tinatawag na King James. Mula sa simula hanggang sa huli ay napanatili ni James ang kanyang matinding shooting na pinangunahan ang opensa ng Lakers para masiguro ang panalo.


Habang si Anthony Davis ay nag ambag ng 19 points, at hindi nito napigilang umiyak sa saya matapos nitong makuha ang una niyang championship ring sa koponan ng Lakers.


Pinuri rin ang magandang performance nina Alex Caruso na umambag ng 4 points; Kentavious Caldwell-Pope, 17; Rajon Rondo, 19 at Danny Green, 11.