• Tj Ovivir

Late Enrollment, Papayagan ng DepEd


Bagaman magsisimula na ang pasukan sa August 24, sinabi ng Departmend of Education (DepEd) na tatanggapin pa rin nila ang mga late enrollees’ para sa darating na school year.

Ayon sa pahayag ni DepEd Undersecretary Jesus Mateo, nakasaad sa polisiya ng kagawaran na maaaring pang tanggapin ang mga estudyante hangga't kaya nitong makumpleto ang 80% ng school days kaya walang saysay kung i-eextend pa ang enrollment.

Sinabi ni Mateo na maaari pa ding mag-enroll hanggang sa last week ng Setyembre, dahil ang pangunahing tunguhin lamang ng DepEd sa June enrollment ay upang makakalap ng datos sa pamamagitan ng Learner Enrollment Survey Form.