Laughter Yoga Exercises, Ginagamit ng Army upang Tulungan ang mga LSIs

Laughter Yoga ang ginawang sandigan ng Philippine Army upang maibsan ang lungkot at pag-aalalang nararamdaman ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs) na nananatili sa Libingan ng mga Bayani gymnasium sa Taguig City.
Sa tulong ni Pinoy Laughter Yoga (PLY) Founder Paolo Martin Trinidad, nakikilahok ang mga LSIs sa PLY exercises, na tutulong sa kanilang mag-relax at at magpapabuti sa mood at immune system, dalawa hanggang tatlong beses kada linggo.
Ayon kay Clinical Psychologist Lt. Ronald Recio, binubuo ang mga LSIs ng mga construction workers at mga empleyado sa NCR na nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya, mga straded na OFWs, at mga nawalan ng matitirhan.
Sinabi pa ni Recio na sa pamamagitan ng laughter yoga, napoproseso ang grief ng mga LSI nang hindi nila napapansin at bagay ito sa kultura ng mga Pilipino na pagtawa.