Lea Salonga, Naglunsad ng Bagong Awitin Bilang Bahagi ng Isang Fund Raising Project


Photo from Instagram/ Lea Salonga.

Naglunsad ng bagong awitin ang Broadway icon na si Lea Salonga na tinawag niyang “Dream Again” sa kanyang social media account na may layong makalikom ng pondo para sa COVID-19 relief efforts sa ilang parte ng mundo, kabilang na ang isang fundraising project na The Actors Fund.

Ang bagong awitin ni Lea ay patungkol sa kasalukuyang krisis na kinakaharap ng mundo na nagpapaalala na patuloy paring mangarap sa kabila ng mapait na hamon ng buhay.

Kabilang sa mga tutulungan ng broadway icon ang grupong The Actors Fund, isang fundraising project para sa mga Performing Arts at Entertainment Professionals na isa mga labis na apektado ang kabuhayan ngayong panahon ng pandemya.

Upang mapakinggan at mapanood ang inilabas nitong music video ay maari lamang puntahan ang kanyang instagram account at ang karagdagang impormasyon ng naturang proyekto ni Lea.